Search This Blog

Sunday, November 23, 2014

Healthy Japanese Lunch In Gunma Tour

November 23 ,2014 ..8000 yen Bus tour with 1 hour apple picking ,hot spring bath,Furukawa River View,at with simple Japanese Lunch..





VIDEO here..


Ang Japanese Food ,minsan masarap minsan di mo malulunok pero healthy ..
so ang lunch namin dito sa gunma tour ..
Very Simple but Healthy,Ang lasa is okay naman.Makakain mo syempre .pero kung maselan ka baka pintasan mo,dahil sa gutom na kami ,hindi mo na iisipin ang lasa at ang masasabi mo lang siguro.Bitin ang meal dahil ,gusto mo pang kumain..



Green Tea,Miso Soup,Sweet smoked Fish siguro ,kombu salad ,maze gohan at pickled radish 

Kama meshii or maze gohan kung tawagin..sinaing na may halong mga sangkap at may timplang dashi .

isda na inihaw or grilled in oven na sobrang tamis ang lasa ..may nabibilhan nito na delata ( lutong hapon talaga ito)
hawig sa teriyaki pero hindi ito teriyaki...isipin nyo na lang na minatamis na isdang inihaw...ayayaii..
at masarap siya,na gusto kong isawsaw sa maanghang na suka..


After ng lunch,Dahil ako ay Kiti kiti at di mapakali ,kami ng friend ko ay nag selfie naman,medyo may halong kulitan..at tawanan..
At ang nakakatawa dito , may isang hapon na lolo na laseng na yata,
akala ko kasamahan namin..kase nga, biglang nagsisigaw at kumakanta pa sya...Nakakaloka lahat kami nagulat at nagsitawanan ..kase ang lolong laseng ay may ari ng kinakainan namin...




At syempre hindi kami nabusog.ika nga ang pinoy malakas kumain..bitin ang tanghalian..
"so sabi ko bawi na lang sana sa apple eating..kaso kahit sa mansanas bitin ang isang oras na pag picture lang ..

Matamis at masarap ang mansanas sa gunma ken

Apple Tree and Me in Gunma Ken

Gunma Ken Japan ..November 23 ,2014

Sa halagang 8000 yen..one day tour ,umalis ako ng 6 am in the morning..
Nagkita kami ng friend ko around 6:30 AM sa Akihabara station..Doon ang meeting place..at dalawang Bus kami..
.. at umalis ang Bus ng mga 7:40 yata..

Maraming bata ,mga pinay na hindi ko kilala ,may kasama ren silang asawa at mga galing ng pilipinas ang iba.

Then around 12 pm..nag lunch kami ng simpleng Japanese meal...Hindi man sya ganun ka volume at gaanong kasarap,I think Healthy ang mga sangkap .

After Lunch ..Bumisita kami sa isang famous river ,falls ng Furukawa Taki kung tawagin..wala lang hindi ko alam ano ang masaya doon ,pero i enjoyed naman kase nga makulit ako ng friend ko...may sariling mundo ika nga..no paki sa paligid..

After ng Furukawa River...Ayun , mga excited sa Apple farm.isang oras na eat all you can,at sa palagay nyo ba ,kaya nyong kumain ng marami,??
Pictures at video lang kulang ang oras ko at ng mga pumunta,syempre excited,..Akala ko nga hitik sa bunga..kaso halos napitas na siguro ng mga nauna sa amin..pero anyway ,enjoy pa ren naman..

Nakatikim ako ng ilang kagat ng mansanas,ngunit wala akong inuwe o biniling mansanas,
sa dahilang ayaw kong bumigat ang aking bitbitin ..tutal naman maraming mansanas na nabibili ren sa mall..importante ang aking outdoor trip ay masaya at marami kong mga film .at syempre nag nakapag relax.

After ng Apple Farm...Lakad lakad kung saan saan at ayun na nga ..hot spring kami,pumanik kami sa bundok,mataas na hagdanan ,medyo masakit na binti namin ,pero sulit ng makaligo kami sa hot bath .

At take note burles kaming lahat,Kaloka' pero foggy naman kase sa loob at medyo dim...so hindi ko aninag ang mga burles na katawan ng mga kasama ko..
unless titigan mong mabute ..hehehh..

After ng Hot Bath,Sa labas dun,may nagtitinda ng konyak skewers ,nilaga sa fish broth or pinakukuluan lang yata sa tubig,hindi ko alam,pero masarap sya at healthy,usually kinakain siya ng may mustard (same like ODEN) oden ay isang Japanese food na halo halo ang sangkap na nakababad sa mainit na sabaw na may fish broth ...at malimit kainin sa araw ng Winter,Paboritong Pulutan ito ng mga manginginom..

Yes...We had great time and experienced...Grabe ang saya saya talaga..sa halagang 8000 yen sulit ang biyahe,nakakaalis ng stress at problema( kung mayroon kang mga dilemma sa buhay ..hahahhh)

Sobrang saya at buti na lang at napakaganda ng weather kahapon...kung naging malamig at umulan pa..ay naku " sira ang trip namin siguro...Dahil ,akala ko nga malamig ang klima,
"susme" kun todo balot pa ako ng damit.Ay "yun pala ang init (Autumn dito sa Japan kapag November) kaso minsan malamig ang weather.


May mga pictures ako sa tabi ng mansanas ,kung gusto nyo lang naman pag tyagaan tingnan ...


















Related Story...

http://luweehintokyo.blogspot.jp/2014/11/apple-eating-at-farm.html

Apple Eating at the Farm

Wow! excited ako dito grabe..Sobrang enjoy .sobrang pagod den..Natawa ko kase 1985 pa ang huli kong apple picking..it was in Takamatsu -shi Kagawa ken pa yun..di pa uso digital camera at wala pang computer ...unang dateng ko pa sa Japan.








Yesterday naman,November 23,2014...Galing kami sa Gunma ken ..Namitas kami ng mansanas ng isang oras...
Dahil sa picture at pag vivideo ang una kong purpose .ang kumain ng mansanas ay di ko na inintindi..
dahil yung kasama ko nag balat ng isang pirasong mansanas ..ayun nakatikim ako ng kaunte ,
at wow ha!infairnes ang tamis nya talaga at fresh na fresh ang lasa...




 




siguro kung hindi bitin sa oras ,marami akong makakain na mansanas...at ang presyo ng mansanas medyo may kamahalan kung bibili ka...mga 6 o 7 na piraso ay halos nasa 1000 yen na...mahal o mura
mahal kase nga matamis..






syempre bawal ang mag uwe ng di pina aalam sa may ari..at bawal ang pumitas ng marami kung hindi ren lang uubuseng kainin o babayaran ...sayang nga naman kung kagat ka lang ng kagat
hehehe...tapos tatapon yung matitira...
karamihan pictures ang lang naman ang gusto ...








kakatuwa ang puno ng mansanas...

Sunday, November 2, 2014

Bath of Roses

Natry nyo na bang maligo sa bath na may mga rosas?
at pool na may chocolate ? or wine ,coffee at green tea?

Nasubukan ko lang ang rosas at chocolate bath..Dahil malamig ang klima ,hindi ko kinayang lumabas sa nagyeyelong lugar ng kape wine at green tea na paliguan..

Nagtyaga na lang kami sa loob ng building ,maraming mga pagpipilian na pool bath...at maganda ang lugar ,bongga at sosyal ,syempre. maraming tao...buti na lang kahit ano ang suot pampaligo ay okay lang...






Wala akong swim suit na dala so naka dress ako hahahhh...kung pede lang maghubad eh..+.+

selfie sa bath roses

magkatabi ang dalawang sirena
Yung isa ay hindi namin kilala ,kasama lang sya sa picture at kasama ren sa bus tour...mr nya kumuha ng picture na eto..

Ang sarap maligo,kaso wala kaming baon na pampaligo..kahit ano naman daw pwede ...buti na lang

Kasama ko ang isang kong malapit na kaibigan..siya si Anna pareho kaming taong bahay lang.tiga luto.tiga linis ng bahay hahahh..pareho kaming may asawang hapon at dalawang anak..


Naglalaro lang kami dito..siksikan nga lang...yung mga rosas warak warak na..di na namin naabutan...marami ang nag aagawan kase ..may mag couple syempre na nag momoment..

Ang tubig di gaanong mainit at di naman malamig..tama lang ang warm ...
pero ang totoo nag snow sa labas ,nasa bundok kase kami dyan ( HAKONE )



 Ayan umaarya na ang aking kalokohan ...


hahahhh grabe yung mata ko..


At narito ang mag Sweety he he he...kami na lang ang nag loving loving..paligid kase kami ng mga bagets..


 Sayang hindi ko naabutan ang mga rosas .lagas lagas na ng nadatnan namin...imagine ko lang tsura ng puro rosas ang bath mo...hmmmm romantic ano?

Short Film of Bath of Roses


Happy and Fun....sa HAKONE tour...






....Next time ulit...