Sa halagang 8000 yen..one day tour ,umalis ako ng 6 am in the morning..
Nagkita kami ng friend ko around 6:30 AM sa Akihabara station..Doon ang meeting place..at dalawang Bus kami..
.. at umalis ang Bus ng mga 7:40 yata..
Maraming bata ,mga pinay na hindi ko kilala ,may kasama ren silang asawa at mga galing ng pilipinas ang iba.
Then around 12 pm..nag lunch kami ng simpleng Japanese meal...Hindi man sya ganun ka volume at gaanong kasarap,I think Healthy ang mga sangkap .
After Lunch ..Bumisita kami sa isang famous river ,falls ng Furukawa Taki kung tawagin..wala lang hindi ko alam ano ang masaya doon ,pero i enjoyed naman kase nga makulit ako ng friend ko...may sariling mundo ika nga..no paki sa paligid..
After ng Furukawa River...Ayun , mga excited sa Apple farm.isang oras na eat all you can,at sa palagay nyo ba ,kaya nyong kumain ng marami,??
Pictures at video lang kulang ang oras ko at ng mga pumunta,syempre excited,..Akala ko nga hitik sa bunga..kaso halos napitas na siguro ng mga nauna sa amin..pero anyway ,enjoy pa ren naman..
Nakatikim ako ng ilang kagat ng mansanas,ngunit wala akong inuwe o biniling mansanas,
sa dahilang ayaw kong bumigat ang aking bitbitin ..tutal naman maraming mansanas na nabibili ren sa mall..importante ang aking outdoor trip ay masaya at marami kong mga film .at syempre nag nakapag relax.
After ng Apple Farm...Lakad lakad kung saan saan at ayun na nga ..hot spring kami,pumanik kami sa bundok,mataas na hagdanan ,medyo masakit na binti namin ,pero sulit ng makaligo kami sa hot bath .
At take note burles kaming lahat,Kaloka' pero foggy naman kase sa loob at medyo dim...so hindi ko aninag ang mga burles na katawan ng mga kasama ko..
unless titigan mong mabute ..hehehh..
After ng Hot Bath,Sa labas dun,may nagtitinda ng konyak skewers ,nilaga sa fish broth or pinakukuluan lang yata sa tubig,hindi ko alam,pero masarap sya at healthy,usually kinakain siya ng may mustard (same like ODEN) oden ay isang Japanese food na halo halo ang sangkap na nakababad sa mainit na sabaw na may fish broth ...at malimit kainin sa araw ng Winter,Paboritong Pulutan ito ng mga manginginom..
Yes...We had great time and experienced...Grabe ang saya saya talaga..sa halagang 8000 yen sulit ang biyahe,nakakaalis ng stress at problema( kung mayroon kang mga dilemma sa buhay ..hahahhh)
Sobrang saya at buti na lang at napakaganda ng weather kahapon...kung naging malamig at umulan pa..ay naku " sira ang trip namin siguro...Dahil ,akala ko nga malamig ang klima,
"susme" kun todo balot pa ako ng damit.Ay "yun pala ang init (Autumn dito sa Japan kapag November) kaso minsan malamig ang weather.
May mga pictures ako sa tabi ng mansanas ,kung gusto nyo lang naman pag tyagaan tingnan ...
Related Story...
http://luweehintokyo.blogspot.jp/2014/11/apple-eating-at-farm.html
No comments:
Post a Comment